Saturday, February 26, 2011

Daluyong ng Diwa



Kakanin
Puto lang ako sinta
May tamis ng maja blanca
Sa palitaw ng dalaga
Sapin saping ligaya

Onli Lab
Maliban na lang kung sakali
Magbago ang pakiwari
Magbalik ka’t manatili
Ako’y iyo sa lahat ng sandali

Dip Insayd
Sabi mo ako’y baliw
Walang dulot na magaling
Sa pagtulog di mahimbing
Iniisip sa pag-gising

Adik
Ayoko na sa ‘yo
Layuan mo na ‘ko
Para kang isang bisyo
Nakalululong nang ‘todo.

Sayang
Dumaan ang Santa Cruzan
Wala akong pakialam
Reyna pala’y ikaw naman
Gabundok kong hinayang

Swit
Nakahiga sa damuhan
Nakatingin sa kalangitan
Bumalikwas nang biglaan
Kinagat pala ng langgam

Sadenli
Nakatingala sa langit
Ang ulap ay pumihit
Ang kwintas ay nasungkit
Napaluha’t napapikit

Paslit
Nagtampisaw sa ulan
Nagsasayaw sa parang
Naghabulan sa damuan
Walang bahid walang muwang

Kabataan
Nagbabad sa ilog
Nagtira ng saplot
Inakyat ang niyog
Muntik nang mahulog

Laro
Ligaw-ligawan
Kasal-kasalan
Anak-anakan
Bahay-bahayan

Tubero
Nakita ko kayo
Pumunta sa banyo
Puso ko’y lumukso
Isa palang tubero

Oras
Di ko mapigil
Kahit anong gigil
Daig pang may pangil
Walang pwedeng sumikil

Orasan
Hawak ng iyong kamay
Ang ligaya nitong buhay
Madaliin mong kumaway
Hiluhin yaring lumbay

0 comments:

Post a Comment