Tuesday, March 1, 2011

Tula ng Pananabik



DALANGIN
Sa lawak ng liwanag mong saklaw
Nakamasid 'tong pusong mapanglaw
O buwan, ipabatid ang aking pang-ulayaw
Sa irog kong 'sang buwang di nadalaw

KUROT
Ubod balot ng kumot
Sa lamid at nginig ng tuhod
Sa islang sa gitna ng laot
Nahimbing ang pusong may kirot

HILING
Saksi ang kutitap ng mga bituin
Sa pagsamo ng pusong humihiling
Makita ka sana't makapiling
Bago sumilay ang takipsilim

TANONG
Nabilang ko na ang mga bituin
Maging buwan ay nasukat na rin
Maging mukha na araw ay napansin
Ikaw na alng kailan kaya ay darating?

YAN NA BA?
Paroo't parito
Tagaroon tagarito
Kanina't kanino
Sa akin ba mula sa 'yo?

INSPIRASYON
Araw man ay lumipas
Kahit puro malas
Wag ka alng umiwas
Magsabi pang may bukas

PARA SA 'YO
Kung pwede lang liparin
Ang dagat ay tawirin
Makita ka lang giliw
Buong galak kong gagawin

NANDITO AKO
Kung kaya kong talunin
Ang bukas ngayun din
Di ka maninimdim
Kayakap mo sa paggising

ABALA
Sa saliw ng hampas ng alon
Lumipas ang buong maghapon
Waring tumigil ng panahon
Sa 'king pagbabalik nakatuon

YEHEY
Umupo sa lamesa
Kumain nang mag-isa
Nalaglag ang kutsara
Parating ka na sana

PUYAT
Biling baligtad na higaan
Naroong magkubli sa unan
Naroong umulo sa paanan
Iniisip mo ba ako mahal?

LOWBAT
Umilaw ang celfone ko
Akalay text mula sa 'yo
NA excite pa naman ako
Nalowbat lang pala ang loko

TULALA
Sandaling ipinikit
Mga matang naglalagkit
Sa talukap sumisilip
Ikaw ang iniisip

INIP
Binibilang ang oras
Kung pwede lang ipaspas
Kung pwede lang umiwas
Sa lulong nitong banas

TULIRO
Sa hapon mga ibon ay dumapo
Sa silong ng malagong puno
Kislot galaw lukso tago
Windang kong isip pati puso

PANAGINIP
Tulirong pag iisip
Nagbababad sa inip
Sa larong luksong tinik
Ng munting panaginip

1 comment: