Monday, November 10, 2008

Tula Mula sa Puso

Sumpong
‘Wag kang mangusap
Sa pusong mailap
Sandaling hinahanap
Ang isip sa alapaap


Di na Natuto
Umikot ang mundo
Naging isa naging tatlo
Nagmahal, nag-alburuto
Di natinag, di natuto

Patawad
Sa pusong naghinagpis
Sa pusong nagtitiis
Sa pusong nagnanais
Sa pusong umiibig


Sa kabila ng Lahat
Nagmahal ka na’ng lahat
Sa huli pala’y di pa sapat
Anong mali, anong kulang, anong dapat
Anong labis, anong sakit, anong malas

Nandito lang ako
Sa kabila ng lahat
Sa sakit, sa sugat
Umasang sa pagmulat
Pag nag-isa’y may yayakap

Salamat
Samalat kaibigan
Sa ‘yong kabaitan
Sa ‘yong kabutihan
Salamat kaibigan


Be Happy
May lumisan
May lumimot
May parating
May papasok

Breyk-Ap
Binigkas kang masakit
Sumusulasok sa dibdib
Waring bugkos na tinik
Itinanim ng paslit


Sakal, Sakali
Sa ‘yong pagmamahal
Ako’y nasasakal
Sakaling bumitaw
‘Wag sanang magdamdam

7 comments:

  1. Ayos! Napakamakata.

    Kakaiba talaga ang gawa mo. o",)

    ReplyDelete
  2. Naalala ko lang, yung ginawa mong tula kay Paperdoll, maganda rin. Yung "manikin, makina, manika, etc..."

    ReplyDelete
  3. ang ganda! seryoso yun.. minsa lang ako pumuri ng mga akda.. gusto ko talaga! astig!

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ReplyDelete
  4. wow chico! napapatula aco sa'yo!

    oh chico
    anong nangyayari seo?
    bakit mula sa puso ang gawa mo?
    inlab ka ba sa mga oras na'to?
    goodluck naman seo pakerco!

    ReplyDelete
  5. makata ka pala! hehehe!

    there's one good hing about depression: it's the last stage to suffer before acceptance :)

    peace out!

    ReplyDelete
  6. nag-iba bigla genre mula sa last post mo ah.. hehe
    nagcomment din pala ko dun,

    ReplyDelete