Monday, October 4, 2010

Tula, Tulala

Masdan, buwan na bilog
Sankaban ang alindog
Katawan mong mapintog
Nasa sa akin ang handog
-0-
Sa lumbay ko’y siyang tuwa
Sa gabi ko’y siyang tala
Sinta kong minumutya
Diyos sa aki’y nagtadhana
>-0-
Nang ang ula’y bumuhos
Pait hapdi’y yumapos
Sawing palad na lubos
Taksil kang di malimot
-0-
Minahal na nga kita
Sa buhay ko’y higit pa
Ba’t ngayon aking sinta
Ako’y lilisanin pa
-0-
Sabihin mo nang oo
Nang ako’y di maloko
Ang alay kong pagsuyo
Tapat at walang biro
-0-
Isa akong makata
Isa lang ang panata
Mabihag yaring mutya
Ng tula kong sandata
-0-
Minasdan ko ang langit
Mukha mo ang nakaukit
Nang ang ula’y sumapit
Sa pisngi ko’y humalik
-0-
Gabi ko’y walang bituin
Bituin may walang ningning
Ningning ma’y aanhin
Kung wala ka sa akin
-0-
Kasama’y kwatro kantos
Lumbay hapdi’y idaos
‘Sang buwan pagakatapos
Lumisan ka’t lumimot

2 comments:

  1. ako'y namangha at humanga
    sa iyong mga tulang ginawa
    lalung tumibay ang paniwala
    na ika'y ipinanganak na makata!

    ang galing! wala akong masabi. grabeh.(pero merong naitula) hehe :-)

    ReplyDelete