The love of money is the root of all evil daw. Pero aminin, ipokrito ka na lang kung ayaw mo ng pera. Halos lahat ng bagay eh kakailanganin mo ng pera para mabili, matikman, maisuot, magamit at makatulong sa iyong pang araw araw na buhay. Ano na nga lang ba ang hindi nabibili ng pera? Pag-ibig? Oh come on. Pamilya. Oh well. Pananampalataya. Oh yes. Those are just some of the few things that money can't buy, but for everything else, sabi nga ng commercial, there's mastercard. Kung hindi mo kayang bilhin, pwede mo ring utangin.
Pero bakit ganun, minsan may mga pagkakataon na involved ang pera, pero you count it least sa mga considerations mo para gawin o hindi gawin ang isang bagay. Hmmmm..naguluhan ka ba? Ang point lang naman is, minsan, in doing things, it's not always the money that runs it possible.
Kahapon, kinarag ako ng isang dating officemate ko, naglamyerda kami sa kahabaan ng Dubai, malayo ang aming narating kakalakad. Siempre napagod, nagmerienda pa kami sa isang Pinoy restaurant na kilala dito sa Dubai. Naglakad kami ulit pabalik. Habang naglalakad, naitanong ko sa kasama ko kung bakit kami naglalakad samantalang mayroon naman kaming perang pangtaxi o kahit pa pambili ng second hand na coche. Naisip rin niya yun na para kaming kawawa naglalakad palagi gayun pwede naman namin padaliin ang viaje para makauwi ng mas madali. Hindi naman sa nagtitipid kami o nanghihinayang sa pamasahe. Siguro, we are just some of the few people who find pleasure in walking. Ika nga, it's not about the money, but the experience and benefits that can be derived from walking. Nakapag exercise ka na, marami ka pang namasdang mga bagay bagay. That isn't something that money can buy. Yun makasalubong ka ng kakilala mo sa Pinas dito sa Dubai. Yun makadaan ka sa isang tindahan na mabibilhan ng maraming pasalubong. And simply the sights and sounds to behold along the way, yun mga bagay na hindi mo masasaksihan kung hindi ka maglalakad at sasakay ka na lang ng taxi o bus. Lalo na ngayun that winter is fast approaching, sure akong mas masarap maglakad, at hanggang may kalsadang pwedeng lakaran at bagay na pwedeng pagkwentuhan, our adventure on the road will always beat the red light.
Kung napapansin niyo lately, madalas akong mag emote at magpost sa blogs ko ng kadramahan. Kasi naman po wala na akong trabaho dahil kaka resigned ko lang sa aking work. Bakit ika niyo? Kasi hindi ko gusto ko ang ginagawa ko sa opisina na naka upo lang at naghihintay sa amo kung may gustong ipagawa. Hindi yan exaggeration, katotohan lang. Lupet! Kahit malaki ang sweldo ko at wala naman ako malilipitan, umalis pa rin ako. Naniniwala kasi ako na minsan ang ikakasasaya ng tao sa kanyang trabaho eh hindi lang dahil sa perang kikitain. Sometimes, it's not about the money, but the fulfillment of being able to apply what you know, practice your profession, share your thoughts and being able to do things you enjoy. Sadly kasi sa dati kong job, sobrang nahirapan akong mag adjust sa trabahong "walang ginagawa". Ang pamoso ko ngang linya sa aking resignation letter eh, "I came to Dubai to work, yes. But I just don't want to be helped, I also want to be of help.." Malamang mahirapan ang iba na unawain ang totoo kong dahilan pero may mga bagay kasi sa aking pananaw na mas importante kaysa sa malaking sweldo, di ba mas masarap isipin na kasundo mo ang mga officemates mo, enjoy ka sa ginagawa mo at alam mong sulit ang ibinabayad ng kompanya mo sa trabahong ginagawa mo.
Kakatapos lang buwan, malamang alam lahat ng mga OFW na sa ganitong panahon, nakangiti na naman ang mga pamilya natin sa Pilipinas. Kasi sahod na naman at kailangan nang magpadala. Kaming mga OFW, marami kaming tinitiis na paghihirap at problema para lang makapagpadala ng pera sa Pinas. Hindi nila alam, kung minsan, nababaon na kami sa utang para lang may pang tuition si brothers and sisters. Nagtitipid kami sa gastusin para lang makapagpatayo ng bahay para magulang. Pero sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, kalungkutan at pananabik, patuloy kaming kumakayod para may maipadala buwan-buwan. Di bale nang kami ang magipit, huwag lang ang mga mahal sa buhay na umaasa sa amin. Mapait kung iisipin, pero masarap ang pakiramdam ng pagsasakripisyo, it's not about the money, but being able to see how our loved ones enjoy the fruits of our labor. Di bale nang maipadala namin lahat ng aming kinikita basta nakita naming guminhawa kahit kaunti ang kanilang kalagayan sa buhay, okey na yun sa amin. Yung makita naming naging masaya sila sa perang aming pinagpawisan, pinagpuyatan at pinagpaguran, sapat na yun para sabihin namin sa aming mga sarili na kami ang tunay na bayani sa puso ng aming mga mahal sa buhay.
May kakilala ako. Ikakasal ang kanyang kaibigan at siyempre, imbitado siya. Pero hindi pa siya makatango dahil hindi pa inaaprubahan ng kanyang amo ang kanyang hinihinging leave. Sabi ng kaibigan niyang ikakasal, "umabsent ka na lang at babayaran ko na lang ang sweldong mawawala sa yo kung magleleave ka.." O hindi ba't parang kay daling bumili ng dangal? Parang walang kahirap hirap ang bumili ng oras at pananagutan ng ibang tao. Para bang sa bangketa lang sa Quiapo ay maaari kang makabili ng buy-one take-one na kahihiyan, prinsipyo at integridad. Sabi ng kakilala ko, hindi naman issue dito ang pera kaya di siya maka absent. It's not the money, but it's her work, her commitment to her boss, her obligation to her company. Kung sana nga ganun na lang kadali ang bumili ng oras at pananagutan ng ibang tao, marahil ay binasag na ng ibang mga anak ang kanilang mga alkansiya para mabili lang ang oras na sana ay dapat inilaan sa kanila ng kanilang nagtratrabahong mga magulang.
Hay, marami pa akong gustong isulat pero mahaba na yata ito. At sa kalagayan ko ngayun na wala akong trabaho, idagdag mo pa ang global financial crisis, i need all the help i can get..and it's all about the money.
ang ganda. this made me smile.
ReplyDeleteso, an OFW in Dubai! Na-feature yan sa channel 2, yung Burj Dubai, at yung uhm I forgot the "most expensive hotel in the world"s name.
And maybe yes, it's not about the money. It's the pleasure and experience of staying in that half-a-million rate in that hotel! hehe
whew, dubai's people are really serious of putting dubai in the map!
ReplyDeletesomeday makakpunta din ako jan. cheers to that!
wow! ang hahaba ng comment nila. . nakakahiya naman. . babalik aco at iintindihin co muna to. . sasabayan co sila :D
ReplyDeletehays...
ReplyDeletethis post is really great. a reminder of a basic truth about how those that can't be seen or bought are the ones that could yield happiness...
kudos to you, mate :)
money is used for survival.. but it can also be used for temporary fullfilment and happines..but just temporary and even sometimes not genuine...
ReplyDeletetrue enough, we all have our own definition of self-fulfillment that one else can understand. we make decisions based on that and owe no one an explanation for doing such..
ReplyDeletegaling! iba talaga pag ikaw mismo ang nasa sitwasyon.. mas nabibigyan mo ng hustisya ang kwentong ganito..
ReplyDeletetotoo.. hindi lahat nabibili ng pera at napagkatatakpan ng pera kahit pa sabihing halos lahat ay natatapatan na ng pera.. tsk tsjk..
http://fjordz-hiraya.blogspot.com
couldn't agree more! for me, you're the best blogger..congrats bro :)
ReplyDelete